
Naging sentro ng pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month sa Los Baños ang kauna-unahang Los Baños Bamboo Trade Fair na binuksan nitong Setyembre 28, 2026 (Lunes) sa Municipal Activity Area. Tampok sa tatlong araw na trade fair ang iba’t ibang produktong gawa at hango sa kawayan, mga bamboo-based innovations, handicrafts, at iba pang likhang nagpapakita sa lawak ng maaaring paggamitan ng kawayan. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang maipakita sa publiko ang mga produktong maaaring gamitin sa iba’t ibang larangan, habang binigyang-puwang ang mga lokal na producer, artisans, entrepreneurs, innovators, at mga institusyong aktibong nagsusulong ng bamboo development.
Dumalo at nagpaabot ng suporta sa aktibidad sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay A. Rolusta. Naging bahagi rin ng programa ang mga mensahe mula kina Dr. Merlyn Rivera ng Bamboo Professionals Inc., Ms. Mary Grace Flores ng Lastic Philippines, Mr. Fernando C. Pitorgue Jr. ng DOST-FPRDI, Dr. Christine Santiago ng DOST-PCAARRD, Regional Director Ms. Emelita P. Bagsit ng DOST 4A CALABARZON, at Mr. Edgardo Manda ng Philippine Bamboo Foundation. Sa kanilang mga mensahe, naipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan, academe, research institutions, private sector, at mga bamboo stakeholders.
Sinundan ang programa ng ceremonial ribbon untying na nagsilbing opisyal na pagbubukas ng trade fair, bago nagkaroon ng pag-iikot at pagbisita sa mga booth ng exhibitors. Kabilang sa mga kalahok ang UPLB BIOTECH, DOST-PCAARRD, DENR-ERDB, Lastic Philippines, RolyoLikha at Iba Pa Handicrafts, Marilyn Bamboo Basket Handicrafts, Buenavita Food Products & Integrated Farm, at Tatag Bamboo. Ipinakita sa mga booth ang iba’t ibang anyo ng bamboo products at handicrafts, gayundin ang mga inobasyon at teknolohiyang nagpapakita kung paano higit na mapapakinabangan ang kawayan bilang isang versatile at sustainable na materyal.

Bukod sa pagpapakita ng mga produkto, nagsilbi rin ang trade fair bilang venue para sa pagkilala sa mga gumagawa at nagsusulong ng bamboo-based products at innovations. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng espasyo para sa exhibition at product showcasing, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na publiko at magkaroon ng ugnayan sa iba pang stakeholders. Nakatutulong din ang ganitong mga aktibidad sa pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa iba’t ibang posibilidad na maaaring mabuo mula sa kawayan, mula sa tradisyunal na handicrafts hanggang sa mga makabagong aplikasyon at produktong may potensiyal sa merkado.
Naging posible ang aktibidad sa pangunguna ng Opisina ni Hon. Muriel Laisa B. Dizon, katuwang ang tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ni Municipal Agriculturist Cheryll L. Gonzales, iba pang mga tanggapan ng Pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng mga exhibitor Big Belly’s, Bonchon, Selina’s, Eatsumo Teri Haus, Westea, Dalcielo, Lastic Philippines, at The Eco Shift.

Bukas sa publiko ang kauna-unahang Los Baños Bamboo Trade Fair mula Setyembre 28 hanggang 30, 2026 sa Municipal Activity Area. Inaanyayahan ang mga Los Bañense at mga bisita na bisitahin ang mga exhibit, kilalanin ang mga produktong kawayan at bamboo-based innovations, at suportahan ang mga lokal na exhibitors at iba pang kalahok na bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month sa Los Baños.
#BambooTradeFair
#PhilippineBambooMonth
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Want your story to be published? Subscribe to TNC via email partnerships@thenewchannel.com.
Follow TNC on Social Media FB – https://www.facebook.com/TNCnow/, IG – https://www.instagram.com/tncnow/, Tiktok – https://www.tiktok.com/@tncnow, LI – https://www.linkedin.com/company/thenewchannel/, X – https://x.com/tnc_now, YT – https://www.youtube.com/@TNCNow
Be updated on what’s new around the world, check your published stories by searching #TNCnow #OnTNC or check them out here: https://thenewchannel.com/highligh